Thank You, Pope Francis.
Lagi akong nagdadala ng payong tuwing umaalis ako lalo na kung umuulan at lalo na kung may signal number 1 sa Maynila pero nung Sunday na 'yan, nung may misa si Pope sa Luneta, umalis ako sa bahay nang walang dalang payong habang umaambon, nagdadasal at umaasang lagi akong may makitang masisilungan.
Nakasakay ako nun sa MRT nang biglang mawalan ng signal sa Magallanes station at buti na lang, nagtext 'yung friend ko habang nasa Buendia pa siya kaya naisip kong pareho lang kami ng train na sinakyan. Tumakbo ko paakyat habang nagdadasal na sana pareho nga kami ng train na sinakyan, na sana sa dinami-rami ng tao sa Metropoint Mall nung mga panahong 'yon, makita ko sila.
Anong meron? Tinuro sa'kin na kahit anong dasal natin Sa kanya, hindi rin pwede at wala rin mangyayari kung hindi tayo kikilos at gagawa ng paraan eh. Oo, andyan 'yung tulong pero kailangan pa rin natin kumilos. 'Yun na ata ang pinaka-recent kong naranasan na inasa ko lahat Sa kanya. Isang ultimate bahala na.
Kinabukasan, gumising kami ng 3 AM para pumunta sa bahagi nito ng Aseana City at minabuting maghintay na lang ng apat na oras para makita man lang si Pope. Nakakagulat na sa kabila ng buong hapon kong pagpapaulan nung Linggo e hindi man lang ako nagkasakit. Walang kahirap-hirap dyan sa Aseana, parang picnic na nga e naka-Baguio outfit pa. HAHAHA. |
0 comments