Sorry, Kuchi...
Hindi ko alam. Gusto ko lang magsulat ng magsulat kahit walang saysay para maubos 'yung luha at para mabawasan 'yung sakit. Bakit biglaan naman?
6 years.
May langit din ba para sa mga aso? Kung, oo. Sana, oo. Magpapakabait ako makapunta lang dun.
Nagiging anghel ba sila pag namatay? Kung, oo. Sana, oo. Abangan mo pa rin ako. Bantayan mo pa rin ako. Maging masaya ka pa rin pag dadating ako. Grabe. Ang sakit sakit. Karma ko ba 'to? Sorry. Sorry na buhay mo 'yung naging kapalit.
Tuwing umaalis ako ng bahay namin, lalabas na 'yan, hindi papasok hangga't hindi ako nakakadating.
Tuwing hindi naman ako nakakauwi ng ilang araw, malungkot din siya, hindi kakain hangga't di ko tatawagan na kumain na.
Tuwing dadating ako, hindi kumpleto pag walang asong galaw ng galaw 'yung buntot na sasalubong sa'kin sa pinto.
Tuwing dadating ako, hindi kumpleto pag walang asong galaw ng galaw 'yung buntot na sasalubong sa'kin sa pinto.
Hindi naman 'yan tumatabi sa'kin pag natutulog pero dun sa mga araw na malungkot ako at ayokong makipag-usap sa kahit kanino, tatabi 'yan sa'kin sa kama. Hindi aalis kahit anong gawin ko. Para siguro hindi ko maramdaman na mag-isa ako. Para siguro sa comfort. Sana ganun pa rin kahit physically wala ka na. Pwede ba 'yon? Pwede kaya 'yon? Sana maramdaman ko na meron pa rin akong kuchi na nagbabantay.
Sabi nila, para sa'tin bahagi lamang sila ng buhay natin pero para sakanila, tayo ang buhay nila. Maraming salamat para sa anim na taon na pinagtyagaan mo kong hintayin. Hindi man ako perfect. Marami man akong pagkukulang. Sana para sa'yo, hindi mo napansin 'yon.
Mas okay na ba 'to? Hindi ka na maghihintay? Sana totoo na lang na may kaluluwa sila para hindi na nga niya ko hintayin para kahit saan, at kahit kailan meron pala kong kuchi na kasama. Para kahit ayoko dahil matigas ulo niya, susunod pa rin siya sa'kin.
Sana para sakanya naging mabuti akong amo. Sana kung may dog heaven man, kung sakaling tanungin siya ng ibang aso kung pano siya tinrato ng amo niya, sana maging proud siyang sabihin na ako 'yon, na para sakanya hindi niya na gugustuhin na sa iba siya napunta. Grabe. Ang sakit sakit pero mas okay na rin siguro.
God. Salamat sa anim na taon pero ino-offer ko na Sa'yo 'yung buhay niya, 'yung lahat ng sakit na naramdaman niya bago siya mawala, pati 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon, lahat lahat po. Sana wala na 'to bukas pagkagising ko... kasi kung malungkot pa rin ako bukas at kung masasaktan pa rin ako, wala na siyang mgagawa para tumabi sa'kin. Ayoko nun.

0 comments