Oh Hey August!

8/12 na! 

How are you? :)


 Dating gawi! Idk what's wrong, medyo I lost my "voice," not literally but I kind of forgot how I used to write my monthly hello ---- posts. But anyhow, this would be a lengthy one again though I am only showing six pictures from my Instagram account to recall what happened last July and to write down what I am expecting for this month as if they'd matter to you. To save you some time, don't read everything and you may just join me in the last picture. hehe

A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on
As you know (or not), I am a July baby so thank you, world for another wonderful year of existence. Unlike last year when we held a mini house party, no party was held this year. I am grateful for everything but I haven't been posting about those things these days. The downside of not blogging as frequent as I used to is this. Although aware ako of my blessings and stuff, iba pa rin 'yung awareness kapag nasusulat ko lagi.
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on
To celebrate my birthday and for more wanderlusting, we went to Palawan. Huhuhu. Posts about my trip are still in my growing backlog. Huhuhu. </3. There are a lot of things that I haven't posted here yet and it's saddening that I don't get to post frequently anymore. I am trying so kayanin ko siguro to be back on track this month and the rest of the months. hehe! Kailangan ko talaga na updated 'to kasi iba pa rin 'yung may binabalik-balikan akong post. Iba pa rin 'yung nababasa ko kung ano 'yung "ako" in the past years.

Lakas kasi maka-public ng journal ko eh. Artista ang peg. Open book ganyan.

To my Palawan travel buddy, Louise Patricia Marie: Alam kong hindi mo favorite 'tong first Palawan trip natin pero maraming salamat!
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on

Walang oras mag-blog pero may oras manood ng pinakaunang kalyeserye sa telebisyon, sumubaybay sa kilig moments ng Aldub, at mainis sa pangongontra ni Lola Nidora?!

*Sa tono ng pagsasalita ni Mace noong nasa bus sila ni Anthony habang pinagtatanggol niya si Lloydie na magkakaroon ulit ng movie with Bea kaya tuwang-tuwa ako dahil kung gusto mo lang malaman, fan ako simula pa noong Kay Tagal Kitang Hinintay days nila hanggang ngayon.* 
AKO: E  SI ALDEN 'YUN EH! 

Oi, wag kayo! 2012 (or 2013 siguro? Basta nung nag-album siya) pa lang, alaga na namin 'yan. HAHA! Hindi lang dahil sa Aldub loveteam! Samantalang kasasabi ko lang nung na-broken hearted ako kay LMH na ayoko na ng lalakeng may dimples... hala ito na naman ako! At hindi lang si Alden! Pati si Lee Jonghyun ng CNBlue. Nyahaha! 

Pero seryoso, kung sakali lang na magkita ng personal si Yaya Dub saka si Alden... pwede bang pa-birthday niyo na lang sa'kin na live akong manood? Haha. Lakas maka-ano e abangers lang naman sa ina-upload gabi-gabi na video. Hindi ako nakakanood ng live sa TV at asa pang maging studio audience kasi wala naman akong connections para makakuha ng passes kaya umaasa na lang ako sa'yo. Hahahaha. Ah basta!! Para sa fans din, alam kong naiintindihan niyo ko. Para sa'yo na tutupad ng wish ko, alam kong gagawan mo ng paraan 'to. Hahaha!
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on

Just so hindi masira 'yung tradition ng mga post kong ganito... :))

I am brokenhearted because I was expecting something to happen this month but as of now (kagaya pa rin nung last two months), it looks like it's not going to push through the way I am hoping it to. Sorry that I can't say what it is exactly but it's something that I am wishing for but I currently have no power to make it happen all by myself. Para bang wala akong ibang pagkukuhanan ng tubig kaya ang inaasahan ko na lang 'yung buhos ng ulan para makapag-ipon. Kailangan ko 'yung open door na papasukan o 'yung bangin na kailangan talunan pero hindi naman buwis-buhay basta ganyan lang 'yung idea. Kailangan ko ng isang YES mula sa universe.

 'Yung go signal kasi na hinihintay ko mukhang hahahaha malabo eh. 
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on

Pero sabi nga sa second weeksary video ng Aldub, "What's meant to be will always find a way." Matigas ulo ko, mahilig akong umaasa kahit sa wala saka pinipilit ko mangyari pag may nagustuhan ako pero kasi andito ko sa phase na bulag ako kaya wala ko magawa para pigilin 'yung pagkagusto ko. Ang sinasabi ko na lang lagi e sana nga meant to be. Hay! Pagbigyan niyo na po ako para matahimik na ko. Hahaha. 

Kung sakaling wala man patunguhan 'to e bahala na, I'll cross the bridge when I get there. Basta ngayon, aasa pa rin ako pero if ever na waley talaga, sad lang but there's a reason for everything...

Desperada?! Kahit anong sabihin ninyo, wala kayong pake, kung, kung, naniniwala akong meant to be kami at someday we will happen! We will happen talaga. hahaha! Oi, asa! Hindi 'to tao! Or hindi nga ba?! Di ko rin masabi. Haha!

 Kung gusto niyo, isipin niyo rin na meant to be kayo! Bahala na ako kung anong iniisip ko. Bahala ka na rin kung sino/ano iniisip mo.
-_- Haha. Sabi ko naman sa'yo, join me at the last picture eh!! 
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on


Oh hey August! Welcome back to our lives! Please be good to us. Please be a miracle month to us. Good vibes lang tayo ah!

Sorry kung medyo nasayang ko lang oras mo kasi wala talaga kong malagay na may relevance at saysay sa buhay mo kaya para makabawi man lang kasi baka kailangan mo rin, "Waiting is not an inactive thing. It is actively doing what you can and allowing God to prepare you for the next big thing."


God bless us. <3

You Might Also Like

0 comments