Mahilig ako sa chocolates simula pa nung bata ako kaya nung nakapag-overnight kami sa Subic dati at unang beses ko lang makapasok sa Duty Free, sabi ng nanay ko e hindi raw ako magkanda-ugaga katatakbo sa shelves na pinaglalagyan ng mga tsokolate at hindi ako makapili.
Nung bumalik naman ako sa Puregold Dutyfree nito nang mahilig ako sa matcha, hindi pa rin ako magkanda-ugaga. Hindi katatakbo kundi kaiisip dahil hindi rin ako makapili kasi nga kulang sa chaching. Hahaha! Some things don't change. Iba pa rin reaction ko everytime may makita akong bagay na gustong-gusto ko. hahahahahaha. Di ko na kasi ma-control pag nakakakita ako ng kahit anong matcha. -_-
Sakit sa puso nito but thank you, Puregold Duty Free for selling matcha products. It was a problem that I was glad to have. It's not you, it's me kaya masakit sa puso. BAKIT KASI ANG PRICEY NG MGA GUSTO KO SA BUHAY?!
I saw this before in Family Mart although I don't know what its name is. |
Ito 'yung mapayat at matangkad na version ng Midi Matcha. Bitin lang because a box has only two foil containers but I like this the most among the three. |
Balanced ang matcha taste and creaminess but if I were to choose, I'd still for for the Midi Matcha. Bakit??? Iba pa rin kaming mga chubby! Hahahaha! These three matcha products are for those who prefer subtle matcha flavor. Creamy at andun pa rin 'yung lasa ng matcha pero hindi in your face na, "Oy!! Green tea ako!" gets or not... end of post. :)) |
Akalain mong 12 weeks ago na 'to. hahahaha!! Di bale, meron nga kong mga pictures na lagpas na one year eh. Wala na kasi atang relevance kaya forever na silang hindi maipo-post sa blogosphere unlike pag matcha, forever relevant :)))
0 comments