Wednesday, September 9, 2015

Beautiful Distraction

All alone imagining
What might have been
What could have been
If I had been theeeeeere yeah yeah yeahhhh

Haaaay, someday we'll know why.....

Daan lang, huwag tatambay!


Ano pa ba para makaramdam pa ng more positivity?
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on


Life, I am not a player. Isa isa lang! I don't know why my body chose to have dysmenorrhea, flu, colds and headache all at once. Isa isa lang!!!! Stick to one sakit. Mahina (literal na mahina) ang kalaban. Haha. You know when you're sick, you'll think about the times you were healthy and how you took those for granted. Sorry na nagpaulan ako kagabi may kasama pang paulan at pasok sa airconditioned room, sinamahan pa ng puyat. EDI WOW. Naghanap talaga ko ng sakit.  Ayan, I had no option but to spend the day at home. Hindi ako makabangon kaninang umaga eh! Medyo sayang ang araw huhubells pero wala eh.

Sobrang hilo at sakit ng ulo na kahit nasa bahay ako, hindi ko pa rin pinanood ang KalyeSerye today. Kung di ba naman sobrang di talaga okay, matitiis ko ba naman 'yan? NASAN KA NA BA YAYADUB?! Team9PM pa rin ako kahit nasa bahay lang naman ako. :((((


But I've started to feel better or so I was before I started to make myself feel bad again. Ito nga't nagpo-post na ko para malabanan kasi hindi na nga ko okay physically kaya I have to feel good emotionally. HAAAY! Sobrang downer mo, curiosity! Nag-stalk stalk kasi ako sa Facebook kanina dahil feeling okay na ko't walang magawa. HAHAHA! Alam mo 'yung, "Isa lang. Titignan ko lang recent post niya." Hanggang sa 'yung masamang pakiramdam mo e lalo pang napasama dahil sa kalokohan mo. Haaaay. Okay ka na eh! BAKIT BA NAMAN KASI (&@^^@!%!! Ito mahirap pag hindi busy, maraming time para sa kalokohan. Kanina sakit lang ng katawan ngayon parang ang sakit na rin ng puso... HAHAHAHA. Charing!!! Natatawa na lang ako sa kabaliwan ko. Hindi na mauulit 'yon, promise. Ayoko na. :))))

Salamat, blog I have a place to realign my thoughts. I have the best thing in the world that reminds me about those things I should be grateful for. Ano ba 'yan nararamdaman ko, LET GO AND LET GOD. Ajujujujuju. Ultimate bahala na talaga. 

I have a lot of backlogs so I can distract myself from doing those self-harming things. Gusto ko sana magpost ng iba pero sabi nga sa Inside Out kailangan din talaga natin si sadness kasi hirap din pag manhid manhidan poreber kaya ito na lang haha. (Saka teka, hindi 'to laslas levelz ah). 

Channeling all the time I have for stalking into something worthwhile like updating this blog with this malapit na maging worthless and super random post. Haha! Bilang sobrang dami ko talagang dapat ilagay at nakaka-guilty na ganito lang... sige na nga, tapusin ko na 'to. 



Thank YOU. ;)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines