Oto-Oto Japanese Eat-All-You-Can

NOBELA 'TO.

Weeks ago, a facebook friend shared a photo of a Japanese-Eat-All-You-Can buffet that costs P 195.00 which happened to be Oto-Oto Restaurant at TBC Building, West Avenue, Quezon City. Close and cheap enough, we then wanted to give it a try but upon reading all the comments on that wall post, we were discouraged. 

However, as I was texting with another friend last Thursday night, I mentioned this and immediately agreed to go with me. Saka marami pa namang kakainan sa SM o sa West Avenue kung bogus nga 'yung restaurant, kaya kahit hesistant kami, tinuloy pa rin. 

We met at SM North, passed by the MMDA footbridge going to West Ave. Malapit sa Paramount, ata? I've been seeing TBC building before whenever I pass there so it wasn't hard to find. Kaya lang, upon reaching the building medyo nag-panic kami kasi parang wala naman. 'Yun pala, nasa second floor nung cafe. 

Pag pasok, you are to pay P 195.00/person (why starts at  P 195.00, you ask? Kasi merong Set A, Set B, at Set C na pataas ata 'yung presyo.)

Wala kaming expectations, o meron? hindi ko na maalala, basta alam namin, at least nage-exist pala talaga siya. At ito na nga...

This is the condiments, plates, chopstick, order slips, iced tea, etc table.
Ala Carte Eat-All-You-Can kung tama ba 'yan, basta i-o-order mo lang kung gusto mo pang kumain. Merong order slip, duuun, 'yung mga papel sa likod ng chopsticks.

Natuwa lang ako na sa P 195.00, kasama na iced tea. Seryoso, ang mura. Kasi sa iba, magkano ba bottomless iced tea? 50.00? 70.00?


Eto na, ang dami naming kinain!!

I don't know the names, but they're good! Hindi man the best, masarap pa rin! Although bias lang ako talaga sa Cali Maki.

Tig-isa kami nung friend ko dyan sa lahat. 
Miso Soup, and Iced Tea!

Eto rin, share kami sa lahat at ang sarap din! :))
Nagustuhan namin lahat at kita naman dito ang ebidensiya, eating our hearts out talaga.

Paano ba kasi 'yung sistema?

Eto, tawagin na lang natin na sampler plates. Nung una, matagal 'yung pagdating nitong mga pagkain, 'yung tipong gusto na namin inumin lahat ng iced tea para lang mabusog na. Kaya siguro sinasabing ang pangit ng service pero naisip din namin na baka ginagawa pa lahat, maliit lang din kasi 'yung lugar, 7 tables? tapos hindi pa ata napuno kaya hindi nila ma-prepare beforehand 'yung mga pagkain. Kaya habang may kinakain pa, order na lang agad ulit para hindi nakakainip.



Saka buti na lang na nung Friday e hindi puno kasi kung oo, baka bitter post din 'to dahil wala kaming napala. Pa-reserve na lang siguro kayo para sure.

Habang inuubos na'min to, naisip namin na mag-order na ulit para hindi ganun kami katagal mag-iintay sa susunod.

 "Kuya, pwede po bang mag-order habang kumakain kami?"
"Opo ma'am, pakisulatan na lang po kung ilan ang order ninyo sa order slip po."

Ano order namin? Two orders ulit ng lahat.
Cutie, diba?
Mas marami kesa nung una.. nahalata siguro na ang takaw-takaw lang
Pag dating nito,
"Ano, order pa ba tayo?"
"Ge, kung kaya mo pa eh."

So next order,

"4 na order ng sushi, 2 nung mga ulam."

Parang si kuya, "Uhm, no left-overs po."
Parang kami, "Kaya ng powers namin 'to, kuya. Chill ka lang."
Sa isip-isip siguro nung kuya waiter, "Ilang araw bang pinagdamutan ng pagkain 'tong dalawang 'to? Bakit para silang PG... PiG."
Sorry naman, matatakaw lang talaga. O para mukhang sosyal... sorry naman, meron lang kaming big appetite at marunong kaming mag-appreciate ng cooking nila.
So these has been it. 8 orders of sushi, 6 orders of the viands, x glasses of iced teas etc.

Diba? All these for P 390.00, sobrang sulit na sa dami naming kinain, over na over, malapit o gluttony na nga eh. Kaya naman hinabaan ko 'to, dito man lang at least mabawi ng kaunti 'yung negative reviews na natanggap nila bilang thanks na rin for a very fullFILLING DAY.

Btw, maulit ko lang, the space is really small,  I guess that's the main reason why they couldn't accommodate everyone. Lalo na medyo naging maraming interested.

Pero food, ambiance, service, price? Lahat 'yan, pasado sa'min. 

'Yung TCB meron unli-cakes for P 150.00 naman, pag magtagal ng konti, I want to try eating there too.

P.S. Muff, kung makita mo 'to. Yups, akin 'tong blog. Makilala mo naman siguro. Sa dami ba naman ng kinain natin. :D

You Might Also Like

4 comments

  1. hi....where is this TBC building located exactly?

    ReplyDelete
  2. Hello. Where are you from po? Pag galing ng SM North, left side 'yan ng West Avenue. Makikita naman agad 'yung name, malapit lang sa bungad. :)

    ReplyDelete
  3. Hi...for how many person can you accommodate?

    ReplyDelete
  4. Hello. Sorry I'm not affiliated with them. And I don't know po if they're still operating, last time I passed by the building (Apr. 30), they were closed/on renovation. :)

    ReplyDelete