Mary Grace, Trinoma

By Tin Gallemaso - 4:09:00 PM

Dessert time!!!
Looked for desserts kasi akala ko gutom pa 'ko and we ended up eating at Mary Grace
This reminded me of Conti's Mango Bravo probably because of the mango (obviously) and the graham (na medyo nougat) layers only the latter has chocolate. But this is good too!!! If not for my love of chocolate, I'd choose this over MB. 

HAHAHA. KAYA AYOKONG NAGDE-DESCRIBE NG PAGKAIN EH. NAKAKATAWA LANG. SORRY NA, HINDI TALAGA KO CRITIC. ALAM KO LANG ANG MASARAP SA HINDI AT ANG BET SA HINDI. HAHAHA.
My order.
Mary Grace Cheesecake
P 120.00/slice

Simple yet one of the best (Kung may susunod sa gawa kong cheesecake haha!, ito na siguro 'yun.)
It's smooth, creamy and priced just right.

Dito ko sila nakilala (pati lemon squares) at ito pa rin ang binabalik-balikan.

This one's good too although I prefer their 3 cheese ensaymada more. Nabitin kasi ako dun sa nasa taas na part kung anuman 'yung tawag dun, pero cheese din siguro kasi ensaymada 'to.

Next time, Laguna cheese naman. Ehehehe.

Classic Grilled Ensaymada
P 73.00.


So dalawa lang kami but we ordered three kinds so 'yung Ate while ordering.

Kami: Meron bang Strawberry Shortcake?
Ate: Wala po eh.

*medyo na-disappoint*

Kami: Ah o sige, Cheesecake na lang saka Mango Bene. Ugh,  Grilled Ensaymada.
Ate: So orders are Cheesecake and Grilled Ensaymada?
Kami: Pati po Mango Bene. 3.


Basta ganyan. Di ko na rin maalala pero medyo ganyan na hindi niya agad nakuha na tatlo 'yung order. Shems. Katakawan!!


P.S. Most of times, I just order service/house water whenever I eat out to save and I'm not usually a soda drinker (pero umiinom, minsan pag budget meal ahahah saka libre so para maka-save lang siguro) And, Mary Grace gets a star for effort because they serve lemon water. I love Mary Grace Cafe's house water! 

  • Share:

You Might Also Like

0 comments