Bangon, Pilipinas!

Let us all help Yolanda's victims rebuild their lives.

I've been living comfortably without even realizing how devastating and how horrific these past three days were to those people living in the typhoon-hit areas of the country.

 I knew about Haiyan, I knew that it was one of the most powerful typhoons in history, I knew about the storm surges that hit the land as if they were tsunamis, I knew the facts but it was only earlier this evening as I was watching a local television show that I finally felt how hard it was for them. The whole time the segment was airing I was trying my best to stop my tears from flowing but to no avail.



They need our help. 
Rappler has combined all the possible donation options here.

1. If you are doing good financially then you may donate money.
2. If you don't have extra money to spare, look for old clothing or just about anything you can give away which you can drop off at those places accepting donations.
3. If both of these aren't possible, offer them your service and time by volunteering in places that repack relief goods.
4. If you can't, you may help by being the one to gather donations among your friends and families.
5. If none of the above is possible, why not offer them prayers? Prayers can move mountains. :)

I've donated some in World Vision and probably more tomorrow through BPI.
Please choose wisely. It pains me even more that some people actually take advantage of this situation and just pocket the donations. 

(Di mababaw ang luha ko and as much as possible ayokong umiiyak ako pero grabe, umiiyak ako ngayon. Ang sakit eh.)



Madalas may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na hindi natin ginusto. Madalas din ang mga akala nating "okay" na mga desisyon ay 'yon palang pagsisihan natin sa hinaharap. Madalas wala tayong ibang maisip kung gaano ka-unfair ng mundo. 

Alam ko kung gaano kahirap magsimulang muli pero kahit kailan hindi ko maiintindihan kung gaano kasakit ang mga nararamdaman nila. Kung gaano kahirap magsimula lalo na kung wala ka pang liwanag na nakikita at lalong lalo na kung 'yung mga tao na minamahal at mga bagay na pinaghahawakan mo sa buhay e bigla na lang nawala ng ganun.

Pano mo nga ba haharapin ang bukas nang puno ng takot, pagkalito at para sa iba ay pagsisi? Wala kong ibang dasal kundi ang makayanan nilang makatayo agad pagkatapos ng lahat ng ito. 


Sana... sana lang lahat ng tulong na iniaabot ng ibang bansa at maging ibang Pilipino para sa mga nasalanta ng bagyo ay makarating sa kanila ng buo at hindi pa napapagpilian ng ibang taong gusto na pati ang para sa iba ay kunin pa rin nila.


Sana... sana 'yung mga taong nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa mga inasal ng mga "looters" ay matauhan na kaya lang naman nangyari 'yun ay dahil desperado na sila. Oo, meron tayong standards of morality. Oo, masamang magnakaw pero kung ilang araw ka ng gutom at walang makain, anong gagawin mo? Siguro kung 'yun na ang naglalaban, mapipilitan ka na rin gumawa ng hindi maganda. 
Hay, I'm torn. I've been hearing news about people stealing things other than basic needs eh kaya hindi ko rin alam kung anong dapat kong isipin. Pero kasi nasa state of panic at nawala halos lahat sakanila, nandun lang talaga 'yung thought na kaya nila nagawa 'yun kasi kailangan at ginagawa nila lahat para maka-survive


KAYA NAMAN 
SANA magkaroon ng master plan ang gobyerno natin, 'yung pinaka-efficient para hindi na maging magulo at maging mas secured 'yung lugar. Sana kagaya nung nangyari sa Japan noon, maging mas organized 'yung mga tao para maging mas madali 'yung clearing at rescue operations. Malapit na sa anarchy 'yung nangyayari o anarchy na nga ata kaya lalong gumugulo at sigurado kung ganyan lang, mas mahihirapan ang lahat. Kailangan ng MATINO AT EFFECTIVE na governing body and I hope, I really hope agad agad silang makagalaw. Outside forces (mga taga-ibang lugar sa Pilipinas) ang kailangan dahil mas nakakapag-isip sila ng husto, litong lito rin ang mga taong nasalanta ngayon kaya sigurado na hindi sila makakilos at makapag-isip ng maayos.



Habang tumatagal, habang naiisa-isa ang mga bayan na nasalanta, lalong sumasakit. Itigil na ang sisihan, please. Tahimik na lang and just find ways to help.


Sigurado na ngayon ay hindi pa nila alam kung paano at kung saan magsisimula kaya tayong andito't komportable, tulong sana tayo. Walang may gustong mangyari 'to pero pwede natin gustuhin tumulong at alalayan sila sa pagbubuhat nila ng mabibigat na dalahin na meron sila ngayon.



Sana lahat ng tao na nandun ay hindi magpatalo at sumuko na lang basta sa hamon na 'to.


May God bless the Philippines more.
Sana maka-recover tayo ASAP.

You Might Also Like

0 comments