Lord, I offer You my life... (Lent 2014)




All that I am, all that I have
I lay them down before You, oh Lord
All my regrets, all my acclaims
The joy and the pain, I'm making them Yours

Lord, I offer my life to You
Everything I've been through, use it for Your glory
Lord I offer my days to You
Lifting my praise to You as a pleasing sacrifice
Lord I offer You my life

Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my hopes, all of my plans
My heart and my hands are lifted to You



Naranasan mo na bang magkaroon ng isang kantang gustong gusto mo tapos makalipas ang maraming taon, maririnig mo ulit 'yon at sa pagkakataon 'yon maiisip mong, "Bakit mas maganda?" "Bakit kumpara noon, mas sakto at mas ramdam mo na 'yung kanta ngayon? 

Siguro dahil mas mature na ako (Akalain mo nga naman na nag mature pa ko sa lagay na 'to), dahil mas marami na kong naranasan sa buhay, dahil mas marami na kong bagay na iniasa sa Kanya kaya parang lahat lahat lahat ng salita mula sa kantang 'yan e parang gusto ko na. Pero sino ba naman ako? Hindi naman ako sobrang banal na tao. Sa totoo niyan, paminsan maliban sa Thank You, Sorry at Gusto ko ng... wala na rin naman akong sinabi sa Diyos natin. Kaya nga siguro taun-taon e inuulit-ulit natin ang Holy Week para ipaalala sa'tin 'yung mga ganitong bagay.  


Everything I've been through, use it for Your Glory.


Hindi ako perpekto. Marami-rami rin akong nagawang hindi maganda, mga bagay na ginawa ko na maaring pagsisihan o pinagsisihan ko na pero salamat dahil kahit kailan hindi naman ako napabayaan. Matagal pa at marami pa kong daranasin dahil para akong bumalik sa umpisa pero masasabi ko, lalo sa may kaparehong sitwasyon, it gets better. Mahirap din para sa'kin na sabihin 'yan pero paniwalaan na lang natin, life gets better. Hindi man agad but it will. 


“When nothing seems to help, I go look at a stonecutter hammering away at his rock, perhaps a hundred times without as much as a crack showing in it. Yet at the hundred and first blow it will split in two, and I know it was not that blow that did it, but all that had gone before.”


Maraming bumibisita ngayon dito sa blog ko dahil naghahanap ng pupuntahan ngayong Holy Week, sana sa kabila ng ilang araw nating pahinga ay wag nating kakalimutan ang tunay na dahilan kung bakit meron tayong tinatawag na Holy Week. Para Sa kanya 'to. Hindi naman siguro masamang magsaya pero ibigay natin 'yung nararapat na respeto at oras para Sa Kanya sa mga susunod na araw.


God bless us all. :)



"Rarely do we realize that we are in the midst of the extraordinary. Miracles occur all around us, signs from God show us the way, angels plead to be heard, but we pay little attention to them because we have been taught that we must follow certain formulas and rules if we want to find God. We do not realize that God is wherever we allow Him/Her to enter.”

You Might Also Like

0 comments