I.T.F: Facebook Reposts (Dura Gang)
I once came across a shared article in Facebook stating the modus operandi of what they call, "Dura Gang." It's too gross, so thankfully some of the details remained in the back of my head since then. Like, they'd confuse the heck out of you and pretend that they want to help you clean the spit or the phlegm then get your valuables when you're busy panicking.
Was today a pure coincidence with a nosy guy wanting to help me or was it really an encounter with them? I would never know. (Though a part of me's certain that it was.)
But here's the story...
Isa ako dun sa mga tao na kapag sumasakay ng jeep at wala namang sounds 'yung jeep na nasakyan, automatic 'yan na meron akong earphones na nakasaksak sa tenga. Hindi ko na maalala kung ilan kaming pasahero pero medyo maluwag pa 'yung jeep nun kaya naka sideview pa'ko ng upo. Eto na nga ako, paemote-emote kunyari habang nagsa-soundtrip nang biglang...
Pinapaurong na nung lalakeng nasa harap ko 'yung katabi ko. Ako naman, hindi ko narinig 'yung dahilan dahil meron nga akong earphones. Nakita ko na lang na may dura dun sa may bandang bintana ng jeep (sa likod nung lalake) tas saka ko tinanggal 'yung isang earphone na nasa kaliwang tenga ko para marinig ko ng mas malinaw kung anong nangyayari. Tapos 'yung lalakeng nasa harap ko, sinabi niyang:
"Miss, may laway sa damit mo." - kaliwang balikat ko banda at turo siya ng turo.
Pagtingin ko, meron ngang kadiring laway nasa damit ko. Kadiri talaga as in malagkit na parang may plema pa nga. At medyo na badtrip na'ko nun kasi naman, magsisimula pa lang 'yung araw ko tapos ganun lang. Hindi pa ako naiinis dun sa lalake sa harap ko, nainis ako kung san man nanggaling 'yon.
Syempre ang susunod kong gagawin e buksan ang bag ko at kunin 'yung wet tissue ko pero bago ko pa man mabuksan 'yung pouch na nilalagyan ko ng mga kung anuano. 'Yung lalake na nasa harap ko:
"Miss, umabot 'yung laway sa buhok mo." - hindi lang niya tinuro, talagang hinawi niya 'yung buhok ko kasi natanggal niya rin 'yung earphones sa kanang tenga ko.
Nung natanggal na 'yung earphone ko at hinahawakan niya pa 'yung buhok ko nainis na'ko lalo pati na sakanya sabay sigaw kong:
"Ano ba! Kaya ko na!" At tinulak ko 'yung kamay niya palayo sa'kin.
Nitong mga pagkakataon na 'to e medyo nalilito na rin ako kasi iniisip ko 'yung dura, tas 'yung wet tissue ko na hindi ko makuha-kuha, saka 'yung lalake na sobrang kulit at turo ng turo sa dura. (Pero alam mo kung anong mali? Mas nag pa-panic pa 'yung lalakeng nasa harap ko kesa sa'kin. Hahahaha! Duh. Tinatawanan ko na lang ngayon, buti hindi ako nagpadala sa acting niya.)
Ito namang lalake, mapilit talaga. 'Yung ibang tao pag sinigawan mo na, titigil na. Siya, turo pa rin ng turo at dun ko naisip na, "OMG! Ito 'yun."
At bago ko pa man ipagpatuloy ang paghahanap ng tissue e mas niyakap ko 'yung bag ko sabay:
"Kuya, para po. Pakibilis."
Syempre, tinignan ko rin ng masama 'yung lalake sa harap ko.
Dahil kung sakali man na hindi siya kasama sa Dura Gang (na super unlikely) e masyado siyang epal at nakakainis.
Habang binabasa ko 'to, parang medyo mabagal pero nung nangyayari kanina, sobrang bilis lang. Hindi ko na nga maalala kung anong itsura nung lalake na nasa harap ko eh.
Sinulat ko 'to dahil binasa ko lang din dati 'yung ganitong klaseng modus operandi at 'yun 'yung nakatulong sa'kin para maiwasan kung ano man sana 'yung masamang pwedeng nangyari kanina.
Gusto ko lang rin ikalat 'yung klase ng modus operandi nila para maging alerto kung sakaling may ganito kayong ma-encounter e bumaba na kaagad kung kakayanin at huwag na huwag magpa-panic. Oo nga't mabaho, oo nga't kadiri pero laway lang 'yun, mas malaki mawawala sa'yo kung mag-iinarte ka.
Today, I'm thankful for the people who shared their experiences online for others to read and become aware of the modus operandis of these gangs.
Today, I'm thankful for my presence of mind. For once, Tin, nagkaroon ka. Congrats! Hahahaha!
Today, I'm thankful that my mood instantly turned bad. Hindi ko magagawang makasigaw ng ganun kalakas sa stranger pa kung hindi talaga uminit 'yung ulo ko.
Today, I'm thankful for I was able to redeem myself. Hahaha! Link: here. I once blogged about my experience when I got snatched before. Nalungkot ako nun pero ayun na nga, composure and alert lang talaga dapat at all times.
Today, I'm thankful that God helped me get out of that jeepney escaping what could have been a disaster.
0 comments