Friday, September 2, 2016

3D2N Nangaramoan Cove, Santa Ana, Cagayan + Callao Cave, Tuguegarao Expenses

A break from my USA 2016 posts, here's our budget in my most recent trip a.k.a Saan Makakapunta ang P 4,000 mo? Lol. It's more proper to call this "Pagkasyahin natin 4K sa Anguib at Callao"



Hi mga bessy! Expenses breakdown nasa dulo nitong post kaya diretso ka na dun. :))


Uunahin ko muna na goodbye John Lloyd at Bea na 'to for the meantime kasi napuntahan ko na lahat ng pinag-shootingan nila (na gusto ko) sa mga movies. :))

Petronas Towers, Kuala Lumpur, Malaysia
Paco Cemetery
Immaculate Heart of Mary Parish
Bellini's Italian Restaurant
Pasig River Cruise
Alabang Town Center

That Thing Called Tadhana, Jadine (pero tapos na Lake Tahoe at San Francisco!), at Aldub naman, life!! YES UNIVERSE!!!


So tuloy na sa Nangaramoan at Callao...

There are definitely cheaper beach getaways near Manila but we really wanted to go to Anguib (for my friend) and Callao (for me) so we made it work. Haha! Kasi kung mapapansin mo, almost half ng budget namin sa pamasahe lang napunta.

 It was raining hard that afternoon when we were about to meet up. When I was on my home around 3 PM, I texted my friend. "Lakas ba ulan dyan? Pabebe tayo ganon? Walang makakapigil?" My friend, "Oo!!!! Kita kits mamaya! Dala ko na gamit ko, may dadaanan lang tapos diretso na."


 We agreed to meet each other at 5 PM in Philcoa and rode a bus to Five Star Bus Station in Cubao since we saw a bus trip that will leave at 7 PM. Guess what, mga bessy? Wala ng bus ticket! HAHAHAHA!!! 

So we decided to walk and look at other bus stations in the area. We passed by the terminal of Florida and they were also fully-booked. We reached Victory Liner and they were fully-booked as well. Bus kahit saan na lang? :))) Hahaha! But we decided to walk back to Five Star 'cause that was the last option since they had another trip scheduled to leave at 11 PM. Then, while walking we passed by Jam Liner Terminal and parked there was an EMC bus with Tuguegarao sign in front. 

We asked the information desk if there are seats available and they told us that we can directly ask the conductor of the bus... we did... and we got seats! Left Cubao at 7 PM. Hulog ng langit ang EMC haha!:)) Pero wag niyo gagawin 'to. Reserve your tickets ahead of time. :))

From Cubao to Tuguegarao, it took us more than 13 hours (expected was 12) since we got caught in traffic for more than an hour. Di ko na lang napansin kung saan banda 'cause I was half-asleep.


From Tuguegarao, we rode an FX to Santa Ana, we didn't know where we'd alight hahahaha and when we reached the sign of Santa Ana, my friend asked me, "San ba tayo bababa?" I answered. "Hindi ko alam pero malayo pa." HAHAHAHA! Overhearing this, the conductor, the driver and the passenger beside me (nasa front seat kasi ako, sa gitna) asked us,

Non-verbatim
Conductor:  "San ba kayo pupunta?"
Me: "Anguib po. Aabot ba kayo dun?"
Driver: "Hindi eh."
Passenger: "Hindi lang din kami sigurado kung bukas ang Anguib."
Me: "Ay ganun? Kahit saan na lang na beach na pwedeng matulog?"
Passenger: "Sa Nangaramoan na lang kayo. Dun maraming cottage na mura lang din naman at malapit sa Anguib."
Driver: "O sige, ibababa ko na lang kayo sa may pizza tapos may tricycle dun na pwede niyong sakyan pa-Nangaramoan"
Me: "Sige po..."

After the tricycle ride, we reached Nangaramoan. :))) HAHAHAHA!!!!!! KKLK. Bahala na. :)))) Basta may dagat!!!

Wala kaming dalang kahit anong pagkain pati tubig. haha! Maraming inumin na tindahan pero dalawa lang pwedeng kainan, 'yung isang restaurant na medyo pricey tas kina tatay na nagtitinda ng Batil Patong. Siyempre dun kami kina Tatay. Habang kumakain kami, nagtatanong siya kaya nagtanong rin ako.
"Tay, magkano po boat dito?"

Sabi niya, 500.00 kung iikot lang, 1,500.00 kung aabot ng Palaui (SAYANG!!!!!!!!!!! Di kasya sa budget), 3,500.00 kung special at kayo bahala sa pupuntahan (SAYANG ULIT!!!!) 


Mas okay kung pupunta kayo rito na mas marami kayo sa 2 para marami maghahati sa bayad. 

Anyway, pinatulan namin ung P 500.00 
Last stop dito sa part na 'to, gilid ng Anguib. Edi achieve din! haha. May entrance fee pala kasi dun na P 100.00 per person kaya no thanks. Haha!
Kinabukasan ng umaga, naglakad lakad kami tapos may nakipag-usap, sinamahan nila kami rito sa part na 'to ng Nangaramoan na walang tao. <3 Ansaya.

Kung sa gala lang rin naman na, relax ka tipong malayo sa lahat ng commercializations ganyan tas stress, okay na okay rito sa Nangaramoan!! Mahilig din kasi ako sa long rides basta window seat kaya hindi ako nanghihinayang sa 17 hours! 


Callao naaaaa! :))) Sa wakas!!

NEVER COMING HOME!! HUHUHU

UMAYOS KA NGA, TIN!! Para achieve 'yan. Haha! 

Madali lang, mga 2 oras lang napuntahan niyo na lahat ng chambers sa loob. Di ko kasalanan bakit mukhang tuwang tuwa ako, 'yung smile shutter kasi nung camera! Hahahaahaha! Hindi ako ma picturan kapag hindi ngiting-ngiti. 


Ito na 'yung expenses breakdown for two persons lang.

Mas mura 'to kung mga apat kayo sanang b-byahe kasi mas matipid sa mga tutulugan, tricycle at boat rides! Post ko 'yung mismong Nangaramoan at Callao soon. <3


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines